ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Totoo ba na ang 'first love never dies?'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Sabado, Kristoffer Martin and Joyce Ching reunites para sa isang espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman for the love month.
Award-winning young actor Kristoffer Martin gives life to the story of Pedro Arnado, isang lalaki na nagmahal at nabigo nang iwan siya ng babae na para sa kaniya ay one true love. Pero dahil sa pangarap ng babae na umangat sa buhay, mangingibang bansa siya para kumita ng mas malaking pera.
Maghihiwalay ang dalawa with the promise na hindi nila kalilimutan ang isa’t-isa.
Pero malulungkot si Pedro dahil ang mga sulat na kaniyang ipinapadala ay hindi sinusuklian ng sagot ng babae.
Pinilit ni Pedro na mag-move on na sa buhay at maghanap ng bagong mamahalin. Pero malalaman niya na ang babaeng nawalay sa kaniya ng matagal ay magbabalik, kasama ang kanilang naging anak.
Pero sa pagkakataong ito, may kani-kanila na silang pamilya.
Ano ang gagawin nila kung ang pagmamahalang inakala nilang kinalimutan na ay muling mabuhay?
Tatalikuran ba nila ang mga pamilyang binuo nila para muling makasama ang kanilang kinilalang true love?
Sundan ang kanilang love story, at kung sino ang pipiliin ni Pedro na makasama for the rest of his life, ngayong Sabado, February 21, sa Magpakailanman--pagkatapos ng Pepito Manaloto.
Kasama rin sa “Walang Hanggang Paalam” sina Mickey Ferriols, Cris Villanueva, Coleen Perez, Toby Alejar, Irene Celebre, Jan Marini Alano, JM Reyes, Nomer Limatog, Jr. , Dex Quindoza, at Marlon Mance; sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Dang Sulit, mula sa research ni Jessie Villabrille. - FRJ, GMA News
Tags: joyceching
More Videos
Most Popular