ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jazz Ocampo: 'Tumataba ang aking puso dahil Kapuso na po ako'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com)
May latest addition sa listahan ng mga Kapuso star dahil official na ang paglipat ni Jazz Ocampo sa GMA Network na dating Kapamilya.
Sa story conference ng upcoming GMA weekend show na InstaDAD, inihayag ni Jazz na masaya siya na nabigyan siya kaagad ng proyekto bilang bagong Kapuso.
“Talaga namang tumataba ang aking puso dahil Kapuso na po ako. I feel so blessed talaga to have a project like this one,” ani Jazz.
Isa raw sa mga dahilan ng aktres sa paglipat ng network ay para "mag-explore ng other opportunities and how I would expand as an artist po."
Hindi naman nagkamali si Jazz sa kaniyang desisyon.
“So I checked it here [GMA] and luckily, thank God, nabigyan ako kaagad [ng project]. Wala pa akong one month,” masaya niyang pahayag.
Labis daw ang tuwa ni Jazz nang ibigay sa kanya ang InstaDAD kung saan makakasama niya sina Gabby Eigenmann, Gabbi Garcia at Ash Ortega.
Dahil bago pa lamang si Jazz sa Kapuso network, kakaunti pa lang ang kilala niyang GMA artists.
Pero pag-amin niya, mayroon siyang listahan ng mga gusto niyang makatrabaho in the future.
“I really wanted to see Rocco Nacino po 'cause I'm a fan. And I also like Glaiza de Castro. I like her kasi she knows how to dance, sing, and act,” pagtatapos ni Jazz. -- Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com
Tags: jazzocampo, kapusoartistcenter
More Videos
Most Popular