ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Nikka Martinez and Patrick Garcia's pre-nup photos at Balesin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling makakasaksi ng pag-iisang dibdib ang isla ng Balesin sa Quezon Province ngayong Marso sa nakatakdang araw ng kasal nina Patrick Garcia at Nikka Martinez.

Nitong nagdaang linggo, inilabas na ng magkasintahan ang isa pang set ng kanilang pre-nup photo shoot sa naturang isla kung saan din idadaos ang kanilang kasal.

Matatandaang Hulyo ng nakaraang taon nang mag-propose ang aktor sa kanyang kasintahan sa isang prayer ministry na dinadaluhan nila ni Nikka.

Inihayag naman ng fiancee ng aktor ang magkahalong excitement, kaba, at kilig na nararamdaman niya habang papalapit na ang kanilang special day.

“I've got butterflies in my tummy. The feeling is quite funny. As we get closer to our big day. Finding the right words to say!” aniya sa isang Instagram post.

Magaganap ang kasalang Patrick at Nikka sa darating na Marso 21, 2015.

 

Patrick Garcia & Nix Martinez ?? #balesin #patnixforever #esession

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on



 

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on



 

A photo posted by Nikka Martinez (@nixmartinez) on



 

A photo posted by Nikka Martinez (@nixmartinez) on





Suportado naman ng aktres at ex-girlfriend ni Patrick na si Jennylyn Mercado ang pagpapakasal ng dalawa. Matatandaang mayroong anak ang aktor sa Second Chances star; si Alex Jazz na anim na taong gulang na.
 
Ayon kay Jennylyn sa nakaraang pahayag, “Happy ako na ang father ni Jazz ay masaya na, ‘di ba? Tahimik na ang buhay, stable na. Happy ako for him.” — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News