‘Sabado-badoo’ host Sef Cadayona, the next Vic Sotto?
Imitation is the best form of flattery.
Pero para sa multi-awarded comedian and StarStruck dance expert Sef Cadayona, mas gusto pa rin daw niyang gumawa ng sariling marka sa mundo ng showbiz.
Noong nakaraang taon, sunod-sunod ang mga parangal na natanggap ng Sabado-badoo host mula sa iba’t-ibang award-giving bodies.
Tulad nang tanghalin siya bilang Outstanding Supporting Actor in a Gag or Comedy Show sa 5th Golden Screen awards for TV at Best Comedy Actor sa 28th PMPC Star Awards for TV.
READ: 'Bubble Gang' scores major wins in 2014
Marami tuloy ang nagsasabi na si Sef na ang susunod sa yapak ng mga comedy legends tulad nina Vic Sotto at Michael V.
Pero para kay Sef, nakakatuwa man na mahanay sa mga pinakamagaling na comedians sa industriya, mas maganda makita na naabot niya ang tugatog without following the footsteps of anyone.
Paliwanag ni Sef, “Ako kasi, I never wanna imply the term on me na I’m the next ganyan kasi they made their own mark and my dream is to make my own mark as well.”
“Pero dahil doon siyempre para maihalintulad sa mga magagaling na komedyante siyempre fulfilling para sa amin ‘yun. Nakikita namin ‘yung growth 'tsaka ‘yung success na ginagawa namin [‘yung] trabaho namin”
Dagdag pa ng Bubble Gang star, mas lalo sanang ma-appreciate ng mga tao ang craft nila bilang comedians dahil hindi raw ito biro.
“Kasi ang hirap magpatawa. Mukha lang madali pero mahirap po.”
Kaya abangan kung paano gagawa ng sariling marka si Sef sa darating na March 14. Panoorin ang bagong laugh-team ng bayan na sina Sef at Betong sa Sabado-badoo pagkatapos ng 24 Oras Weekend. -- Aedrianne Acar, GMANetwork.com