ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sino sa nasawing SAF 44 ang gagampanan ni Dennis Trillo sa Magpakailanman?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Ilang linggo na ang nakalipas nang sumabog ang balita tungkol sa Mamasapano clash: isang magalahang misyon na nauwi sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Armed Force ng Philippine National Police.

Mainit na tinatalakay sa iba't ibang media platform at maging ng natizens ang mga pangyayari sa Mamasapano sa lalawigan ng Maguindanao, at ang iba pang usapin na may kaugnayan sa trahedyang ito.

Pero sino ba itong magigiting na mga pulis na nag-alay ng kanilang mga buhay para sa kanilang bayan?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, kilalanin natin ang isa sa kanila.

Dennis Trillo stars as Ephraim ‘Bok’ Mejia, ang police officer na lumaban para sa bayan, at para sa magandang kinabukasan ng kaniyang asawa’t bagong anak. Pero ano pa ba ang ibang dahilan ng pagsabak ni Bok para maging pulis?

Alamin ang kuwento ng kaniyang buhay, bilang isang ama, isang asawa, kapatid, at anak, na gagawin ang lahat para mapabuti ang kalagayan ng kaniyang mga mahal sa buhay.

“Ang Mamatay ng Dahil Sa‘Yo,” also stars Rhian Ramos, Mike Tan, Lovely Rivero, Mike Lauren, Vincent Magbanua, and Byron Ortile, mula sa panulat at direksyon ni Albert Langitan, based sa research nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Magpakailanman airs this Saturday, March 14, after Pepito Manaloto. -- FRJ, GMANetwork.com