Filtered By: Showbiz
Showbiz

Role sa The Rich Man’s Daughter, malaking pagsubok kay Marian Rivera




(Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com)
 
 
“Take it as a challenge.”

Ito ang payong nakuha ni Marian Rivera-Dantes sa kanyang asawang si Dingdong.

Wika ng Primetime Queen, tila mahihirapan siya sa bagong role na ibinigay sa kaniya ng GMA Network para sa upcoming Telebabad show na The Rich Man’s Daughter.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, itinuturing daw ni Marian na groundbreaking point sa kanyang acting career ang proyektong ito dahil sa naka-iintriga nitong tema.

“Ang lalim kasi ng istorya, Tito Lhar eh. Kumbaga, kwento ito ng iba’t ibang klase ng pag-ibig. Palagi ko ‘yan sinasabi kasi meron ‘tong kwento tungkol sa family namin, sa pag-ibig ko, at sa pag-ibig ng iba,” pahayag niya.

Ayon sa kwento ay makikilala ni Marian ang karakter na gagampanan ni Glaiza de Castro sa kanyang paghahanap ng pag-ibig.

READ: Who is Marian’s controversial character in The Rich Man’s Daughter? 

Aniya, “Medyo natatawa kami ni Glaiza kung paano namin gagawin yung mga tinginan namin, kung paano namin i-aapproach yung bawat isa. Pero nakaka-excite kasi sobrang bago talaga siya sa aming dalawa.”  

Makakasama rin ni Marian sa naturang programa sina Gloria Romero, Al Tantay, Glydel Mercado, Pauleen Luna, Luis Alandy at TJ Trinidad. -- Cherry Sun, GMANetwork.com
Tags: marianrivera