ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Labi ng aktres na si Liezl Martinez, na-cremate na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Na-cremate na ang labi ng aktres na si Liezl Martinez na pumanaw nitong Sabado matapos ang pitong taong pakikipaglaban sa sakit na breast cancer. 
 
Ayon sa ulat ng Balita Pilipinas nitong Lunes, hiling mismo ng aktres na ma-cremate ang kanyang mga labi.
 
Samantala, labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng aktres, kabilang na ang kanyang tatlong anak na sina Alfonso, Alyanna, at Alissa, pati na ang kanyang asawa at ang aktor na si Albert Martinez.
 
Sa isang Instagram post, binigyang-pugay ng aktor ang alaala ng kanyang namayapang asawa. Aniya, nagsilbi itong kanyang best friend, asawa, partner, at naging mapagmahal at maalaganag ina sa kanialng mga anak. 
 
Ikinalungkot naman ng ina ni Liezl na si Amalia Fuentes na hindi niya gaanong nakasama ang anak sa mga nakalipas na taon, lalo na sa mga huling araw nito. — Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News