Maggie Wilson condemns Balesin's ‘Yaya's Meal’
Kagaya ng ilang celebrities at personalities, sinulit rin ng aktres, fashion designer at model na si Maggie Wilson-Consunji ang mahabang bakasyon upang makapag-relax kasama ang kanyang pamilya sa exclusive resort na Balesin Island Club sa lalawigan ng Quezon.
Ngunit imbes na makalimot sa mga problema, tila nadagdagan pa ang stress ng fashion personality nang malaman niya ang diskriminasyon sa naturang resort dahil sa tinatawag na "Yaya's Meal."
Ayon kay Maggie sa isang Facebook post nitong Sabado, hindi umano pumayag ang waiter na mag-order ang kanyang ina ng pagkaing na-order na kanilang yaya.
"My mom, Connor and his nanny, Nanay Belen went to have breakfast this morning. Our nanny ordered her meal and my mom wanted the same thing. The waiter said 'Oh, hindi pwede ma'am, kase that's a 'yaya's meal,'" kwento ng aktres.
Dagdag pa niya, nakasasama ng loob na mayroong tinatawag na "yaya's meal" dahil sa mga miyembro ng naturang resort na hindi pinapayagan ang kanilang mga katulong na mag-order ng gusto nilang pagkain.
Here was the incident: My mom, connor and his nanny, Nanay Belen went to have breakfast this morning. Our nanny ordered...
Posted by Maggie Wilson-Consunji on Friday, April 3, 2015
Sa isang panayam sa Coconuts Manila, ito ang kauna-unahang beses na naranasan nila ito sa loob ng higit sa isang taong pagiging miyembro ng Balesin Island Club, at humingi na ng paumanhin sa kanila ang pamunuan ng nasabing resort. http://manila.coconuts.co/2015/04/04/yaya-meal-real
Naiintindihan man daw niya na mayroong mga taong nais lamang ipakain sa mga katulong nila ang "yaya's meal," nakakalungkot at nakasasama pa rin daw ito ng loob kuing iisipin.
Giit ni Maggie, "If members can afford such membership to an exclusive club and spend thousands of pesos on other things, I feel they should be able to afford a meal of their nanny's choice." — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News