ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Neo Domingo on rumored relationship with Mich Liggayu: "Hindi naging kami at magiging kami kailanman"


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling iginiit ng newbie singer na si Neo Domingo na walang katotohanan ang bali-balitang mayroon silang relasyon ni Mich Liggayu ng YouTube sensation na JaMich.
 
Naging maingay sa social media ang balitang ito kasunod na pagkamatay ng kasintahan ni Mich na si Jam Sebastian nitong nakaraang buwan lamang matapos ang halos isang taong pakikipaglaban sa lung cancer.
 
Ayon kay Neo sa isang Facebook post noong Biyernes, "WALA NA AKONG MAGAGAWA sa mga taong walang alam sa katotohanan at naniniwala sa mga peke at malisyosong blogs at tsismis. Mas marami akong mas mabuting dapat pagtuunan ng pansin."
 
Dagdag pa niya, "And for the record, hindi kami ni Mich. Hindi naging kami at magiging kami kailanman."
 

WALA NA AKONG MAGAGAWA sa mga taong walang alam sa katotohanan at naniniwala sa mga peke at malisyosong blogs at...

Posted by NEO DOMINGO on Thursday, April 2, 2015

 
Matatandaang nauna nang itinanggi ng newbie singer ang balita matapos kumalat ang balitang naging malapit at sweet sila ni Mich sa gitna ng paghihingalo ni Jam noong mga huling araw nito.
 
Aniya, magkakaibigan silang tatlo at nagkasama pa nga sa ilang short films na ginawa ng 'JaMich' na naging dahilan ng kanilang pagsikat bilang internet stars. 
 
"Siyempre, magkaibigan kami, may pinagdadaanan si Mich ngayon. Lahat naman kami, nandiyan para kay Mich, iko-comfort na nagpapahalaga para sa kanya [at] pagmamahal naming lahat. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung isyu, baka na-misinterpret lang." paliwanag ni Neo.
 
 
Bukod sa wala umanong katotohanan ang mga usap-usapan, hindi rin daw ito nakatutulong sa pagbangon ng internet sensation mula sa malungkot na karanasan ng pagkamatay ng kasintahan. 
 
“Itigil po natin 'yung mga pang-ba-bash kay Mich, sa akin. Magkaibigan lang po kami. Sa ngayon, kailangan ni Mich ng pang-unawa dahil sa pinagdadaanan niya. So hindi nakakatulong po ‘yung mga pang-ba-bash kung wala naman po talagang sense talaga ‘yung isyu, kumbaga tulungan na lang natin siya dahil alam niyo naman ‘yung pinagdaanan niya.” — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News