advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca King reveals Dennis Trillo broke up with her via text


Pinangalanan na ni Bianca King ang ex-boyfriend niyang nakipag-break sa kanya sa pamamagitan lamang ng text message.

Ito ay ang Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Ginawa ni Bianca ang rebelasyong ito sa isang presscon para sa kaniyang bagong talk show ngayong Lunes ng hapon, April 6 na ginanap sa Limbaga 77 Resto Café.

Tinanong muna ng press si Bianca kung sinong showbiz personalities—Kapuso o Kapamilya—ang gusto niyang ma-interview sa show nila.

Sagot niya, “Hindi ko po alam.”

Nabanggit ng press ang pangalan ni Dennis Trillo bilang interview material, pero hindi ito pinansin ni Bianca at patuloy niyang sinabing wala siyang maisip.

“Sino ba? Given a chance? Mahirap... hindi ko talaga alam,” pag-iwas niya.

May nag-suggest na si Patrick Garcia, isa pang ex-boyfriend ni Bianca; o si Jennylyn Mercado, na ex naman ni Dennis at nababalitang nakabalikan na raw ng aktor.

Sagot dito ni Bianca, “Wala din, e.

"Siguro, in all honesty, parang gusto ko si Miss Sharon [Cuneta].

“Tumatak din siya sa akin growing up ko. Kasi, parang siya yung Filipino na Oprah [Winfrey].

"I think magiging maganda yung palitan namin [ng tanong at sagot], magiging enriching din para sa lahat ng mga makakapanood.

“Marami akong matutunan sa kanya bilang host. Yun.”

Sa isang programa kamakailan, naikuwento ni Bianca na may naging boyfriend siyang sa text lamang nakipag-break sa kanya.

Dahil kilala si Bianca sa paglalahad ng kanyang saloobin, dinare ito ng press sa presscon ng Showbiz Konek kanina na pangalanan ang ex-boyfriend na tinutukoy niya.

Mabilis namang sumagot si Bianca. Aniya, “I think, obvious naman yung sagot, e.”

Susog naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mas magandang galing sa kanya ang sagot.

Sabi naman ni Bianca, “Sige, tanungin ninyo na lang ako... yung yes or no question lang.”

Kaya ang tanong: Si Dennis ba ang nakipag-break sa kanya sa text?

“Oo,” walang kagatul-gatol na pakli niya.

Nasaktan ba siya nang husto dahil dito?

Saad ni Bianca, “Basahin po ninyo yung isinulat ko sa blog ko, na-publish po yun sa Meg Magazine.

"At nung pinost ko po yun sa blog ko, tingnan po ninyo ang mga reaksiyon ng tao.

"Naramdaman po nila yung pinagdaanan ko.

“Marami rin pong humihingi sa akin ng advice kung paano din sila makaka-get over doon sa heartbreak na pinagdaanan nila.”

Naka-recover na ba siya?

Sagot ng actress-TV host, “Mga one month after po naka-get over na ako.

"Kasi po, hindi po magandang gawin yun sa kahit na sinong tao.

"Kahit hindi mo man mahal yung tao, bilang respeto mo sa tao, maganda na makapag-usap nang face to face.

"Kahit hindi breakup, yung important na usapan, I think, it’s better in person." - PEP

For the full story, visit PEP.
LOADING CONTENT