Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Empress Schuck reveals the father of her baby


Matapos kumpirmahin ang kanyang pagdadalang-tao sa "Startalk" nitong Sabado, nag-post ng larawan ang 22-year-old actress na si Empress Shuck kasama ang ama ng kanyang magiging baby, ang model na si Vino Guingona.

Ayon kay Empress sa nasabing panayam, family friend nila si Vino mula sa Zamboanga at higit sa isang taon na umano ang kanilang relasyon.

Si Vino ay apo rin ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Senator Teofisto Guingona III.

 

????
 

A photo posted by Empress Schuck (@empressita) on





Magta-tatlong buwan ang buntis si Empress at inamin niyang hindi naging madali ang pagtanggap niya nito noong una. Aniya, “Parang unti-unti pa lang nag-sink in sa akin. Tapos bigla akong nag-breakdown. Iyak ako talaga."

Agad niya raw itong sinabi kay Vino, na kasama niya noong araw na malaman niyang positibo ang pagbubuntis niya, at saka niya sinabi sa kanyang kapatid at mga magulang matapos siyang magpatingin sa kaibigang doktor.

Nagpapasalamat naman si Empress na suportado siya ng kanyang pamilya pati na ng pamilya ng kanyang boyfriend na nag-aalaga rin umano sa kanya.

Higit sa lahat, masaya siya dahil sa suporta ni Vino at sa pagiging protective nito sa kanya.

Kwento ni Empress, “Hindi niya talaga ako iniwan. Minsan, gusto kong mapag-isa, sabi niya talaga, ‘Hindi.’ Kailangan kasama siya, yung family niya, yung ate ko, yung mga kapatid ko. Minsan ‘andun ako sa parents ko, mama ko, si Papa, ‘andun yung mga kapatid ko.”

“Kaya kahit na masasabi ko talaga kahit na may mga ganitong hindi magandang pangyayari, kasi maraming nagmamahal pala sa ‘yo. Maraming nagmamahal pala sa akin. Hindi mo nakikita minsan, hindi mo nararamdaman yung mga pagkakataong ganito, dun sila nagsulputan. Ngayon, ramdam na ramdam ko kung sino talaga yung mga sumusuporta sa akin," dagdag pa ng aktres.

Sa ngayon, nakatuon ang pansin nina Empress at Vino sa pag-aalaga sa kanilang magiging baby, ngunit umaasa rin si Empress na si Vino na ang kanyang makakatuluyan balang-araw.

"After all, he’s the father of my baby. Hindi ko rin naman nakita ang sarili ko na may kasamang iba kung hindi siya. So sana, when the right time comes, magiging kami pa rin ‘til the end,” aniya. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News