Filtered By: Showbiz
Showbiz

What Ruru Madrid thinks about difference in religion with Gabbi Garcia


Hindi maikakaila ni Ruru Madrid na kahit pareho pa silang mga teenagers ng ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia ay may malakas na atraksyon na talaga siya dito.

Sabay silang nilu-launch bilang mga bida sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Let The Love Begin, na magsisimula nang mapanood sa May 4.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ruru sa press conference ng bago nilang serye noong April 23 sa Studio 6 ng GMA-7, sinabi nitong espesyal man si Gabbi sa kanya, talagang magkaibigan pa lang daw sila.

Hindi rin naman ikinaila ni Ruru na kung sakali, ang pagkakaiba ng relihiyon nila ay posibleng malaking hadlang para maging sila.

Alam ba ni Gabbi na may gusto si Ruru sa kanya?

“Hindi ko po alam kung alam niya, siguro po, mas pagkakaibigan po ang umaangat sa aming dalawa,” saad ni Ruru.

Masasaktan ba siya kung sakali at may ibang manligaw rito?

“Kung sakali man po na may ibang manligaw kay Gab, okey lang po sa akin, kasi wala naman po akong karapatan na pigilan yun, kasi hindi ko naman po siya pagmamay-ari.

“Para sa akin, kung saan po siya masaya, doon din po ako. Pero kung ako po ang pamimiliin, magiging masaya po ako kung saka-sakali at siya ang magiging girlfriend ko in the future,” saad niya.

Difference in religion

Isa siyang miyembro ng Iglesia ni Cristo at si Gabbi naman ay isang Katoliko.

Magiging hadlang kaya ito sa kung ano mang relasyon ang umusbong sa darating na panahon?

“Kung kami naman po ang nakatadhana sa isa’t-isa, mangyayari po yun,” positibo niyang sagot.

Nagkaroon na ba ng girlfriend si Ruru?

“Mga puppy-puppy love po,” pag-amin ng binata.

Hindi naman ikinakaila ni Ruru na masayang-masaya siya dahil siya ang naging ka-loveteam ni Gabbi.

Aniya, “Masayang-masaya ako kapag kasama ko si Gabs.”

Dugtong pa niya nang natatawa, sabay tingin kay Gabbi kahit malayo ito sa kinalulugaran niya, “Grabe, nale-'let the love begin...'” -- PEP

For the full story, visit PEP.

LOADING CONTENT