Kylie and Matt: Ang chef at kostumer na nagkaibigan
Pagkatapos lumabas ang mga controversial photos ni Kylie Padilla sa kaniyang Instagram posts, marami ang nagtatanong kung paano nga ba sila nagkakilala ng kaniyang rumored boyfriend na si Matt Henares.
Sa isang interview kay Rhian Ramos sa The Rich Man's Daughter, naibahagi niya ang ilan sa kaniyang mga nalalaman tungkol kina Kylie at sa pinsan niyang si Matt.
"My gosh! Hay nako, ayoko magsalita tungkol sa kanila. But you know, I don't know if I'm allowed. Do they talk about it?," panimula ng aktres.
Patuloy ni Rhian, "Pero the funniest thing is, siyempre nabasa ko na 'yung articles. Sabi ko, Oh my gosh lumabas na pala 'to. Kasi I knew naman before. I knew naman that they were seeing each other."
Pagkatapos umanong mabasa ni Rhian ang mga articles tungkol kina Kylie at Matt, madali niya itong ipinadala sa kaniyang pinsan.
Aniya, "Ayun nga nung nakita ko yung mga articles online nag-screengrab ako ng marami and viniber ko siya kay Matt kasi nga nasa Australia siya ngayon. I was like, my cousin, you're famous! Lakas mo!"
Nilinaw din ni Rhian na hindi siya ang naging daan para mag-meet sina Kylie at Matt.
"No, I had nothing to do with it. Matt, he's a chef at Runner's Kitchen and Kylie was a customer and they just met that way. Nagkita lang sila sa restaurant and siguro they hit it off," saad ni Rhian.
Sa isang event pumunta umano si Matt kung saan nagtaka umano si Rhian kung siya nga ba ang tunay na sinusuportahan ng kaniyang pinsan o si Kylie.
"Pumunta pa nga si Matt sa Vios cup because I was racing there, and Kylie was racing there. Tapos iniisip ko sino ba sinusuportahan nito? Ewan ko ba dito sa pinsan ko." natatawang kuwento ni Rhian.
Dagdag ni Rhian, na-welcome na umano si Kylie sa kanilang pamilya.
"Oo, she's very friendly with all of us. Pero of course mostly on Matt's family's side." -- ANN CHARMAINE AQUINO, GMANetwork.com