Mommy Dionisia, may payo sa kaniyang anak na si Manny Pacquiao
Sa panayam ng Unang Hirit kay Mommy Dionisia Pacquiao, mapapansing relaxed at hindi kinakabahan ang ina ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao kahit nalalapit na ang tinaguriang "biggest fight of the century."
READ: GMA 7 airs HBO special Mayweather/Pacquiao: At Last primer on May 3.
Aniya, “Gusto ko mag-isip na, ‘Hala malapit na ang laban.’ Kaba. Wala man [ngayon], wala.”
Ibinahagi rin niya ang lagi niyang payo para sa kanyang anak na si Manny.
“Wag ka kumpiyansa sa taas ng ring. Bago ka mag-umpisa, importante magdasal ka sa Panginoon na sana bigyan ka ng strong fighting spirit at kalusugan at lakas ng katawan mo at kamao,” paalala ni Mommy D.
“Please Lord, bigyan mo ng lakas –loob ang kamao ng anak ko, bigyan mo ng power,” dugtong niya.
Mommy D’s “voodoo finger”
Lininaw din ni PacMom ang agaw-eksena niyang “voodoo finger” noong laban ni Pacquiao at ng Amerikanong boksingerong si Timothy Bradley.
“Dami nagsabi lagi na baka kinulam daw. Ganyan lang kay natalo sila. Hindi ako marunong maggawa ng ganyan, kasi pag ang tao naggawa ng ganyan, wala siyang Diyos,” wika nito.
READ: Kapuso stars, buo ang suporta para kay Manny Pacquiao
Dagdag din niya, maaari rin niyang yakapin si Floyd Mayweather, Jr. pagkaraan ng laban tulad ng ginawa niyang pagyakap kay Bradley.
“Kahit sino matalo, manalo, marunong siya magmahal. [Kung] tanggap niyang talo...‘yan ang taong tunay na...galing sa Diyos,” sambit niya.
Mommy D’s #OOTD
Ipinakita rin ni Mommy D ang isusuot niya para sa laban ngayong Linggo. All-white ang tema ng kanyang Filipiniana.
Paliwanag niya, “Kahit saan ang laban ni Manny, ganyan pa rin ang ginawa ko. Ibig sabihin ginalang-galang natin ang buong Pilipinas. Mabuhay ang Philippines. Naka-Filipiniana ako kasi Pilipino tayo.”
READ: #GoManny shirts, available in select department stores
Pinabulaanan din niya at ng kanyang nobyong si Michael Yamson na hindi magsisilbing wedding gown ang naturang damit para umano sa kasal nila na maaaring ganapin sa Las Vegas.
Paglinaw ni Michael, “Basta ine-enjoy lang namin ‘yung magkasama kami ngayon at saka sa panonood. Masaya kaming magkakasama, suportahan lang sa isa’t isa. Dun kami masaya.
“Ku bibibigyan ng pagkakataon, sino ba namang hindi maghahangad nun for the better relationship ‘di ba. Kailangan may basbas. Sa ngayon wala pang any plan,” patuloy niya.
“'Wag tayong magmadali,” ang bwelta naman ni Mommy D, na mas
pinahahalagahan ngayon ang kanilang companionship. -- GMANetwork.com