ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Randy Santiago excited to work with Willie Revillame again
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matagal na ang samahan bilang magkaibigan ng singer-actor-host Randy Santiago at Wowowin host Willie Revillame.
Kung matatandaan nagkasama na ang dalawa sa noon-time variety show na Lunch Date sa Kapuso Network at sa iba pang shows sa ibang istasyon, kung saan nakasama din nila sina John Estrada at Roderick Paulate.
Kaya naman aminado si Randy na excited at sobra siyang natutuwa na this time sa project na pagsasamahan nilang dalawa ni Willie ay magkakaroon siya ng chance na i-direhe ang kaibigan.
Aniya, “We started long-long time ago. Mula sa banda kami magkasama eh, ngayon siyempre in directing him, eh nakakatuwa.”
Dagdag pa ni Randy, ramdam daw ng lahat at kahit ang bago niyang network ang excitement ng kaibigan para sa pagbabalik telebisyon nito.
“Of course nararamdaman, lalo na ng Channel 7 ang excitement ni Kuya Will.” -- AEDRIANNE ACAR, GMANetwork.com
More Videos
Most Popular