ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Princess Punzalan, opisyal nang bahagi ng GMA Afternoon Prime


Bumalik sa Pilipinas mula Amerika nitong June 2 ang batiakng aktres na si Princess Punzalan upang maging bahagi ng GMA Afternoon Prime soap na "Yagit" kasama sina Yasmien Kurdi, LJ Reyes, Bettinna Carlos, Alessandra De Rossi, at ilan sa mga promising child stars ng Kapuso Network gaya nina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie Dela Cruz, at Jemwell Ventinilla.

Ayon sa ulat ng Startalk nitong Sabado, kasamang bumalik sa bansa ng aktres ang kanyang one-year-old baby na si Ellie.

Sa parehong ulat rin ay ibinahagi niya ang magiging papel niya sa youth-oriented teleserye.

Aniya, “Pangalan ko po dito ay Monica. Kapatid ko ni Alessandra na lawyer, at mukhang may problema siya kaya darating ako para tulungan siya.”

Masaya naman siyang tinanggap ng cast ng "Yagit", at sa unang araw nga niya sa set noong Miyerkules ay nag-post pa ng larawan sa kanyang Instagram ang bida ng soap na si Yasmien Kurdi.

 

WELCOME po sa set ng #Yagit ???????????? Ms. #PrincessPunzalan #gmanetwork #gmaafternoonprime ????????
 

A photo posted by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on





Nagpasalamat naman ang aktres sa oportunidad na ito na ibinigay sa kanya ng GMA, at inamin rin niya na bukod sa bansang Pilipinas, namiss rin niyang umarte sa harap ng camera matapos ang ilang taon ng pagiging isang nurse sa Amerika.

“Maraming-maraming salamat sa GMA sa pagbibigay ng pagkakataon para sa akin na makaarte muli. Miss na miss ko talaga ang pagharap sa camera, so thank you for the opportunity. I really appreciate it,” ayon kay Princess.

Samantala, hindi naman masabi ng aktres kung magkakasama sila sa isang project ng dating asawang si Willie Revillame ngayong nasa iisang network na lamang sila.

Sa halip, nagpaabot na lamang ng pagbati si Princess ngayong patok na patok sa masa at namamayagpag nga sa ratings ang weekly game show ni Willie na "WowoWin" na mapapanood tuwing Linggo ng hapon sa GMA.

“Willie, congratulations! Number one daw ang game show mo. I wish you all the best. Galingan mo. Alam ko namang ginagalingan mo talaga sa lahat ng ginagawa mo,” pagtatapos ni Princess. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News