ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Empress Schuck shares sonogram of new baby


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasa ikalimang buwan na ng pagbubuntis ang 22-year-old actress na si Empress Schuck, at gaya nga ng maraming celebrity moms at moms-to-be ngayong taon, excited na rin siya sa pagdating ng kanyang baby.
 
Ibinahagi ng aktres nitong Martes sa kanyang Instagram account ang sonogram ng kanyang magiging panganay na anak sa boyfriend na si Vino Guingona, apo ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Senator Teofisto Guingona III. 
 
Naging tahimik man siya tungkol sa kanyang pagbubuntis simula nang inamin niya ito noong nakaraang Abril, proud naman niyang ipinakita ito sa kanyang social media followers kasabay ang simpleng caption na "Hi little angel." 
 
Hindi pa naibabahagi ni Empress ang magiging kasarian ng kanyang anak, ngunit base na rin sa kanyang activities, tila maayos at maaliwalas ang unang beses na pagbubuntis ng aktres.
 
 

Hi little angel.... ????
 
 

A photo posted by Empress Schuck (@empressita) on





 
Bukod dito, ibinahagi rin ni Empress sa kanyang social media accounts na binabalak niya nang magdaos ng baby shower kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan upang ipagdiwang ang nalalapit na pagdating ng kanyang baby.
 
"Baby shower soon! Hmmmm... #ideas," ayon sa aktres.

 

Baby shower soon! Hmmmm... #ideas ????‍????‍????????????
 

A photo posted by Empress Schuck (@empressita) on



 
Matapos ang kanyang pagdadalang-tao, nais umano niya na maipagpatuloy ang kanyang showbiz career kung mabibigyan ng pagkakataon.
 
Dagdag pa ni Empress sa mga naunang pahayag, humihingi siya ng paumanhin sa fans at sa mga taong tumutulong sa kaniyang career sa nangyari. Kasabay nito, nagpasalamat siya sa mga nakakaunawa sa kaniyang pinagdadaanan ngayon. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News