ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nora Aunor receives Natatanging Gawad Urian in 38th Gawad Urian Awards
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pormal nang ipinakilala ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nagwagi sa taunang Gawad Urian Awards, ang itinuturing na isa sa prestihiyosong parangal pampelikula sa bansa na kumikilala sa mga natatanging artista, production at creative staff, at pelikulang Pilipino.
Noong Martes, kinilala sa ika-38 taon ng Gawad Urian ang batikang aktres at tinaguriang 'Superstar' ng Pilipinas na si Nora Aunor at mga naiambag niya sa paghubog ng pelikulang Pilipino mula noong hanggang ngayon sa pamamagitan ng paggawad sa kanya ng Natatanging Gawad Urian o Gawad Urian Lifetime Achievement Award.
Noong Martes, kinilala sa ika-38 taon ng Gawad Urian ang batikang aktres at tinaguriang 'Superstar' ng Pilipinas na si Nora Aunor at mga naiambag niya sa paghubog ng pelikulang Pilipino mula noong hanggang ngayon sa pamamagitan ng paggawad sa kanya ng Natatanging Gawad Urian o Gawad Urian Lifetime Achievement Award.
Kabilang din sa mga pinarangalan ang batikang independent film director na si Lav Diaz na hinirang bilang Best Director, at ang kanyang pelikulang 'Mula Sa Kung Ano Ang Noon' na nagwagi naman ng Best Picture, Best Screenplay, at Best Editing.
Matatandaang nauna nang kinilala sa iba't ibang film festivals sa ibang bansa ang naturang pelikula, kabialng na ang 2014 Locarno International Film Festival sa Switzerland kung saan napanalunan nito ang Golden Leopard prize. Ipinalabas na rin ito sa 2014 Toronto International Film Festival at 2014 American Film Institute Fest.
Nanalo bilang Best Actress si Eula Valdez para sa kanyang pagganap sa independent film at Cinemalaya entry na 'Dagitab,' habang hinirang na Best Actor si Allen Dizon para sa pelikulang 'Magkakaubang,' na nagwagi bilang Best Asian Film sa 3rd Hanoi International Film Festival.
Best Supporting Actor naman si Martin del Rosario para sa kanyang pagganap sa 'Dagitab,' at Best Supporting Actress si Gladys Reyes para sa pagganap rin niya sa parehong pelikula.
Hinirang naman ng Best Short Film ang 'Kinabukasan' ni Adolfo Alix, Jr., habang Best Documentary namana ang 'Walang Rape sa Bontoc' ni Lester Valle.
Para sa Best Cinematography, kinilala si Neil Daza para sa independent film na 'Bwaya,' at pinarangalan naman si Popo Diaz ng Best Production Design award para sa pelikulang 'Dementia' na pinagbidahan ni Nora Aunor at Jasmine Curtis-Smith at kinilala na rin sa international film festivals gaya ng St. Tropez International Film Festival at Soho International Film Festival NYC.
Nagwagi naman sa kategoryang Best Music si Erwin Fajardo para sa pelikulang 'Bwaya,' habang hinirang naman na Best Music ang gawa ni Corinne De San Jose para sa pelikulang 'Violator.' — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News
Tags: noraaunor
More Videos
Most Popular