ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado hailed as Philippine's sexiest in FHM 100 Sexiest 2015 list


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hinirang na Sexiest Woman in the Philippines ng men's magazine na FHM ang Kapuso actress at PEP List 2015 Teleserye Actress of the Year na si Jennylyn Mercado matapos ang naganap na botohan para sa listahang FHM 100 Sexiest ngayong taon.
 
Kabilang sa mga nakatunggali ni Jen para sa top spot ang kapwa GMA Network artist na si Andrea Torres, na kamakailan lamang ay naging abala sa Philippines-Cambodia TV series na pagbibidahan nila ng Kapuso actor na si Mikael Daez.
 
Ito na ang ikalimang pagkakataon ng napabilang si Jennylyn sa 100 Sexiest list ng naturang men's magazine, at hindi raw tatanggi ang hot mom na rumampa ulit sa gaganaping grand party sa darating na July.
 
“Bakit hindi mo ipapakita 'yung pinaghirapan mo?” aniya.
 

The nation has spoken!Jennylyn Mercado IS FHM'S SEXIEST WOMAN IN THE PHILIPPINES! Grab a copy of our upcoming July issue to view the complete #FHM100Sexiest2015 list!All hail the New Queen!

Posted by FHM Philippines on Sunday, June 21, 2015
 

 
Kahit na ilang beses na siyang nakakapasok sa listahan, ikinagulat pa rin ng aktres ang mapabilang sa mataas na puwesto.
 
Ilan pa sa mga Kapuso stars na pasok sa 100 Sexiest list sina Sam Pinto na naging No. 1 noong 2011 at 2012, at Max Collins na naging cover girl ng FHM para sa 15th anniversary issue nito.
 
Matatandaang ang huling humawak ng top spot sa listahang ito ay ang Kapuso Primetime Queen at mom-to-be na si Marian Rivera, na hinirang bilang No. 1 noong 2013 at 2014.
 
Tumanggi na si Marian na mapabilang muli sa listahan dahil sa kanyang pagbubuntis. — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News