ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Glaiza de Castro starts ‘The Country Tree Clap’ trend among stars


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpasimuno ng bagong online trend ang “The Rich Man's Daughter” star na si Glaiza de Castro bilang bahagi ng patuloy na pagsikat ng kanyang self-produced debut album na “Synthesis”.

Tinatawag ngayon itong “The Country Tree Clap” at kabilang sa mga celebrities na makikita sa Instagram account ni Glaiza na gumagawa nito ang kanyang leading lady na si Rhian Ramos.

Sumakay na rin sa #CountryTreeClub bandwagon ang iba pang bahagi ng cast ng GMA Primetime show na "The Rich Man's Daughter," gaya na lamang nina Pauleen Luna, Mike Tan, Al Tantay, TJ Trinidad, pati na ang kaibigan ni Glaiza at RnB Prince na si Jay-R.

Mayroon na ring video ng naturang trend ang production team ng Sunday All Stars kung saan pinangunahan naman ang pagpalakpak ng malapit na kaibigan ni Glaiza at co-star sa “The Rich Man's Daughter” na si Chynna Ortaleza.

Makikita sa mga video na ito na pumapalakpak si Glaiza at ang kanyang mga kasama ng isang beat na gawa mismo ng aktres, at saka siya kakanta ng mga bahagi ng ilan sa mga awitin na maririnig sa kanyang album.

Dahil sa labis na pagsikat ng “Synthesis,” naging No. 1 na ito sa iTunes Philippines chart nitong buwan lamang.

Sa ngayon, mayroon nang 134 Instagram posts tungkol sa #CountryTreeClap na sinimulan ng aktres.

Narito ang tutorial ng “The Country Tree Clap” mula mismo kay Glaiza:



Narito naman ang ilan sa Pinoy celebrities, at maging ang production staff ng weekend musical varity show na “Sunday All Stars” na sumakay na sa #CountryTreeClap bandwagon:



 

#CountryTreeClap Feat. R & B Prince @rnbjayr #synthesis hmm who's next? #synthesis

A video posted by Glaiza (@glaizaredux) on



 

#CountryTreeClap feat. @pauleenluna and @tj__trinidad ???????????????????????? #Synthesis

A video posted by Glaiza (@glaizaredux) on





 

At dahil diyan mag #CountryTreeClap nalang tayo #CountryTreeClapAllStarsPagHopia

A video posted by Glaiza (@glaizaredux) on



— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News