ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Pinoy stars ride Hollywood's corset craze; experts warn vs. too much ‘waist training’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sumikat sa Hollywood ang pinakabagong slimming craze na waist training, o ang pagsusuot ng espesyal na uri ng corset, matapos itong makitang ginagamit ng sexy and fit A-list celebrities and personalities gaya na lamang nina Kim Kardashian, Khloe Kardashian, Jessica Alba, at marami pang iba.

Bukod sa nakatutulong raw ito sa pagpapa-sexy, nagbibigay rin ito ng confidence sa mga gumagamit nito dahil sa slimmer figure ng naibibigay sa tuwing suot ang naturang corset o waist trainer.

Kabilang sa mga gumagamit na rin nito dito sa bansa ang "Taste Buddies" host na si Solenn Heussaff, "The Rich Man's Daughter" star na sina Sheena Halili at Rhian Ramos, hot moms na sina Sunshine Cruz, Ara Mina, at Ina Raymundo, pati na ang iba pang celebrities at personalities gaya nina Ashley Rivera, Gretchen Fullido at Bela Padilla.

Kamakailan lamang nga, ginamit ito ng leading lady ng GMA Primetime soap na “The Rich Man's Daughter” na si Rhian Ramos sa isang eksena kung saan ikinasal siya sa co-actor na si Luis Alandy, at hindi naman niya itinanggi na nakadagdag talaga ito sa confidence niya.

Dagdag pa ni Rhian sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Sabado, madalas niyang ginagamit ito sa tuwing may special occasion lamang upang mas lalong magmukhang sexy and fit kahit na sa tight or body-hugging dresses.





 

I'm In! Thank you @slimmingcorsetsph ???? #waisttraining #slimmingcorsetsph
 
 
 

A photo posted by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on









 

Pag wala pang abs... ang waist trainer ang ipagyabang =P
 
 
 

A photo posted by Rhian Ramos (@whianwamos) on









 

Waist training starts tonight. Thank you for the corset @slimmingcorsetsph... ????????????
 
 
 

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on









Sa kabila ng naibibigay nitong confidence, nagbigay babala ang mga doktor na maaaring makasama umano ang labis na paggamit ng waist trainer dahil makakapigil ito sa sirkulasyon at sa wastong daloy ng hangin at dugo sa katawan.

Ayon kay Dr. Lani Mercado-Asis sa 24 Oras nitong Sabado, “Kung buong araw mo siya gagamitin, pati paghinga mo maapektuham, pati tamang galaw.”



Nilinaw niya rin na dahil iniipit lamang ng corset ang waist area, babalik rin sa dating korte ang katawan sa oras na hubarin ito, kaya naman mas mainam pa rin umano ang tamang diet at exercise sa mga nais magpapayat.

Inirekomeda rin ng mga eksperto ang Pinggang Pinoy, o ang complete meal na mayroong tig-1/4 na karne, gulay, prutas, at kanin. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News