Matet de Leon gives birth to her third child
Matapos maipaalam sa publiko ang kanyang pagbubuntis nitong nakaraang Abril, isinilang na ng former child star at “InstaDad” actress na si Matet de Leon ang ikatlo niyang anak sa non-showbiz chef husband na si Mickey Estrada.
Isa na namang baby girl ang sumunod sa dalawa pang anak ng mag-asawa na sina Mishka at Michaela.
Matatandaang maagang nawala ang ikalawang anak nina Matet at Mickey na si Juan Miguel noong 2005, limang araw lamang matapos itong ipanganak.
Sa Instagram posts ng aktres, ibinahagi niyang na-admit siya sa ospital noong Biyernes ng gabi, at matiwasay na naipanganak ang kanyang bunsong anak noong sumunod na araw din.
Aniya, “Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal para sa amin! God bless! #PraiseGOD #thankYouLord” — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News