Filtered By: Showbiz
Showbiz

WATCH: Alden Richards, naglakad mula Greenhills hanggang Broadway Centrum 


Gaya ng maraming Pilipino ngayong pumasok na naman ang panahon ng tag-ulan, nagiging biktima rin ng matinding traffic ang ilang Kapuso stars, gaya na lamang ng hunk actor at “Eat Bulaga” Dabarkads na si Alden Richards.
 
Dahil nga sa matinding traffic, pinili na lamang ng Kapuso actor and TV host na maglakad kasama ang kanyang assistant mula Ortigas Avenue upang makaabot sa opening ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” sa Broadway Centrum.
 
Aniya sa Facebook video post nitong Miyerkules, “Dahil super traffic sa Greenhills papuntang Eat Bulaga, kami ay nagwa-walkathon… Super traffic 'eh. Mag-o-opening na,”
 
At habang naha-haggard na umano ang kanyang kasama, mukhang nage-enjoy naman si Alden sa bagong experience na ito.
 
“Enjoy nga, 'eh. At least once in a while, ibang experience naman,” ayon sa EB Dabarkads.
 
Hinangaan at pinuri naman ng netizens ang dedikasyon at professionalism na ipinamamalas ng aktor sa kanyang trabaho.

 

Dahil sobrang heavy traffic sa Ortigas Ave. going to Broadway today.

Posted by Alden Richards on Thursday, July 9, 2015


— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News