ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Andi Eigenmann on raising daughter Ellie: Nothing is classified depending on gender
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nitong Huwebes, ibinahagi ng mom and actress na si Andi Eigenmann ang kaniyang karanasan kasama ang kaniyang 3-year-old daughter na si Adriana Gabrielle o Ellie at ang yaya nito.
Ayon kay Andi sa magkakasunod na tweets, naging interesado raw ang kaniyang anak na babae sa isang comic book habang namamsyal sila sa isang bookshop, ilang araw bago ang first day ni Ellie sa paaralan ngayong Lunes.
“We were at the bookshop and Ellie was looking at Marvel's The World Acc to Wolverine. Until her yaya goes, 'Not that! That's for boys,'" kuwento na aktres.
Tila hindi nagustuhan ni Andi ang sinabi ng yaya na kaniyang anak, at nilinaw niya na hindi ganito ang uri ng pagpapalaki na gusto niya para sa kaniyang unica hija.
Aniya, “That's not how we do things in our home. Nothing is classified depending on gender.”
Paliwanag ng aktres, hindi niya raw pipigilan ang kaniyang anak sa kung anomang laruan o damit ang nais nitong gamitin o anomang activities ang nais nitong gawin.
Dagdag pa ni Andi, maiintindihan raw niya kung marami ang hindi sang-ayon sa pagpapalaki niya kay Ellie, ngunit ganito raw ang kaniyang napiling paraan dahil ganito rin ang kaniyang kinalakihan sa ilalim ng pangangalaga ng mga magulang niya at mga batikang artista na sina Jaclyn Jose at ang pumanaw nang si Mark Gil.
We were at the bookshop and ellie was looking at Marvel's The World Acc to Wolverine. Until her yaya goes, "not that! Thats for boys." >>>
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) July 16, 2015
Luckily I heard and was there to stop it. Thats not how we do things in our home. Nothing is classified depending on gender. >>
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) July 16, 2015
If Ellie wants to play with robots or wear swim trunks at the beach, she's free to do so. Alot may disagree w the way I choose to raise her
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) July 16, 2015
But that's what we believe in. You do you, while we do us.
— Andi Eigenmann (@andieigengirl) July 16, 2015
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging bukas ang isip ng celebrity parents sa issue ng gender stereotypes, lalo na pagdating sa kanilang sariling pamilya.
Nitong nakaraang linggo lamang, sinabi ng Kapuso host at “Biyahe ni Drew” star na si Drew Arellano na hindi raw mahalaga sa kanila ng asawa at “24 Oras” anchor na si Iya Villania kung babae man o lalaki ang kanilang magiging anak.
Sa katunayan, bukas raw sila sa posibilidad na maging lesbian, gay, bisexual, o transgender ang kanilang anak.
Paliwanag ni Drew: “Boy, girl, or kunyari boy siya physically tapos gusto niyang maging girl, or girl physically tapos gustong maging boy, importante is may anak kaming mamahalin.” — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News
More Videos
Most Popular