ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK: Mom-to-be Empress Schuck shows off baby bump in Brunei
Malapit na sa huling trimester ng kaniyang pagbubuntis ang 22-year-old Kapuso actress na si Empress Schuck, at tila handang-handa na nga ang aktres at ang kaniyang non-showbiz boyfriend sa pagdating ng kanilang unang munting anghel.
Nitong nakaraang linggo, magkasamang nagbakasyon ang magkasintahan sa Brunei upang makapagpahinga sa gitna ng paghahanda sa panganganak ni Empress.
Proud na ipinakita ng “Kailan Ba Tama Ang Mali?” star ang kaniyang baby bump habang naglilibot sa ilan sa mga kilalang tourist spots doon, suot ang isang form-fitting dress habang kitang-kita ang kanyang pagiging blooming soon-to-be mom.
Kasama ni Empress ang ama ng kaniyang magiging anak sa isang larawan na nai-post niya nitong nagdaang Sabado.
“Baby bumpy in Brunei,” aniya.
Kabilang rin sa pinagkakaabalahan ngayon ng Kapuso actress ang baby shower para sa kaniya at sa kaniyang baby, na tila magiging isang engrandeng selebrasyon.
Bukod sa printed invitations, inasikaso na rin ng excited mom-to-be ang mismong programa pati na ang photo at video coverage nito.
Ayon kay Empress noong nakaraang linggo, “All meetings done! This all for you, our Baby!! Thank you to these angels. We're so excited.”
A photo posted by Empress Schuck (@empressita) on
—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News
Tags: empressschuck, celebritymoms
More Videos
Most Popular