ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

LJ Reyes gets baptized in Christian rites


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bininyagan noong Sabado bilang isang Kristiyano ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa ilalim ng religious group na Victory Christian Fellowship.

Ibinahagi rin ni LJ kung paano siya nakapagpasya na magpabinyag. Noong Biyernes, nakibahagi siya sa tinatawag na "Victory Weekend," o ang pagtitipon-tipon ng mga Kristiyanong mananampalataya, at kinabukasan nagpabinyag siya.

Nabigay siya ng papuri sa Panginoon matapos ang kanyang binyag.


Nagpabinyag ang aktres kasabay ang mahigit 60 pang mananampalataya, kabilang na ang volleyball superstar mula sa De La Salle University Lady Spikers na si Melissa Gohing.

“Today I declare that I am Your follower and I will be a fisher of men! All for Your glory!” ayon sa caption ni LJ sa isang larawan na naka-post sa kaniyang Instagram account na nagpapakita ng kaniyang pagbibinyag.


 

Today I declare that I am Your follower and I will be a fisher of men! All for Your glory!!!

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) on



— Bianca Rose Dabu/LBG, GMA News
Tags: ljreyes