ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Totoong pangalan ni Tippy Dos Santos, parang ‘scientific name’ ayon kay Aling Maliit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.


Isa sa mga umuusbong na singer ngayon ang Filipino-American performer na si Tippy Dos Santos, na lumabas na sa ilang programa at pelikula, pati na sa mga stage musicals.
 
Nagsimula umanong mahasa ang talento ni Tippy sa pagkanta noong 3 years old siya dahil madalas siyang pakantahin sa family reunions at iba pang mga pagtitipon. Nang mag-10 years old siya, nagsimula naman ang kaniyang career sa theater.
 
Napanood na ang 20-year-old singer sa musicals gaya ng “Peter Pan” kung saan nakasama niya si Sam Concepcion, at “Grease” na sumikat na rin bilang isang Hollywood film.
 
Bukod sa talento ni Tippy, kapansin-pansin rin ang kaniyang kakaibang screen name, kaya naman hindi pinalampas ni Aling Maliit Ryzza Mae Dizon ang pagkakataon na tanungin kung ano ang tunay niyang pangalan. — Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News