ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FIND OUT HOW

Joey De Leon sums up AlDub’s success in ‘two words’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala raw formula ang tagumpay ng isa sa pinakasikat na loveteam ngayon sa telebisyon na sina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen Maine Mendoza o Yaya Dub ng kauna-unahang “Kalye Serye” na tampok sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” ayon sa batikang host at comedian na si Joey De Leon.

Ayon sa EB Dabarkads sa isang tweet nitong Lunes, dalawang salita lamang daw ang sikreto sa tuwa at kilig na inihahatid ng tambalan sa kanilang mga tagasubaybay sa Pilipinas man o sa iba't iba pang bahagi ng mundo.

“Wala talagang formula sa success ng ALDUB. Two words lang-- DIMPLE & SIMPLE. #AlDubTrueLoveWaits @EatBulaga #EatBulaga #BulagaPaMore,” paliwanag ni Joey.


Bukod sa kilig na hatid ng cute dimple ng boy-next-door na si Alden, marami na rin ang pumuri sa pagiging maganda at simpleng tao ni Maine dahil wala umano itong kaarte-arte kahit na lagi niyang kailangang lukutin ang sariling mukha sa harap ng camera tuwing nagla-live Dubsmash.

Pahayag ng fan na si Elegnalyn Cortez, “Maganda, matalino, walang arte sa katawan, wagas ang sense of humor, sexy, at higit sa lahat crush si Alden haha ikaw na talaga ang pambansang yaya." -Bianca Rose Dabu/NB, GMA News