ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY
Add GMA on Google
Dr. Tan-ning ng #KalyeSerye, model at dating Azkals trainee
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang bagong karakter ang pumasok sa “Kalye Serye” ng Eat Bulaga nitong Huwebes at panandaliang umagaw ng eksena — ang gwapong doktor na si Dr. Tan-ning, M.D., na siyang nagbigay ng taning sa buhay ng kontrabidang si Lola Nidora.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, matagal nang bahagi ng showbiz si Dok, o si Mark McMahon sa tunay na buhay.
Taong 2011 nang naging maugong ang pangalan ni Mark matapos maging trainee para sa football team na Philippine Azkals sa edad na 19.
Tubong Siargao Island, Surigao ang model at athlete, na lumaki sa Scotland ngunit taon-taong bumibista sa Pilipinas. Kasalukuyang namamalagi si Mark sa Pilipinas simula nang magtuloy-tuloy ang career niya sa showbiz at sports dito sa bansa.
Naging bahagi si Mark ng “Tween Academy: Class of 2012” ng GMA Films, at isang model rin para sa local clothing brands.
Nitong Huwebes, marami ang nakapansin sa kaniyang kagwapuhan bilang bagong karakter ng “Kalye Serye” na pinagbibidahan ni Yaya Dub at Alden Richards, ngunit maraming AlDub fans rin ang hindi natuwa dahil sa tila pagiging close niya kay Yaya Dub.
Pati si Alden ay nagselos na kay Dr. Tan-Ning at nagbihis doktor pa upang pakinggan ang puso ni Yaya Dub gamit ang stethoscope.
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular