Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Bubble Shaker’ Arny Ross, makakabilang sa cast ng ‘Marimar’


Makakabilang sa star-studded cast ng ikalawang Pinoy remake ng hit Mexican series na "Marimar" ang FHM babe at "Bubble Gang" mainstay na si Arny Ross.

Nitong nakaraang linggo, ibinahagi niya sa Instagram ang larawan ng kaniyang unang shooting day sa Bataan, kung saan kasama niya ang ilan sa mga bumubuo ng programa, kabilang na sina Maricris Garcia at ang pinakabagong Marimar na si Megan Young, pati na ang direktor ng programa na si Dominic Zapata.

Hindi pa ibinabahagi ni Arny ang magiging papel niya sa inaabangang teleserye, ngunit marami na rin ang nakatutok sa panibagong remake na ito na pagbibidahan nina Megan at Tom Rodriguez bilang Marimar at Sergio Santibañez.

Kabilang pa sa cast ng programa sina Lauren Young, Jaclyn Jose, Alice Dixson, Zoren Legaspi, Ina Raymundo, Nova Villa, Jaya, Tommy Abuel, Carmi Martin, Candy Pangilinan, Solenn Heussaff, at marami pang iba.

Nagsimula nang ipalabas ang 'Marimar' ngayong Lunes bilang bahagi ng GMA Telebabad primetime block.

 

1st taping day ???? #Marimar

A photo posted by Arny Ross (@iamarnyross) on



— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News