ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
StarStruck Season 6 to air pilot episode on Sept. 7
By BIANCA ROSE DABU, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mapapanood nang muli sa telebisyon ang nangungunang artista search na “StarStruck” sa darating na September 7 sa GMA Network.
Tampok sa ikaanim na season ng naturang programa ang hosts na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at 2013 Miss World at “Marimar” star na si Megan Young, na isa ring avenger noong StarStruck Season 2.
Tampok sa ikaanim na season ng naturang programa ang hosts na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at 2013 Miss World at “Marimar” star na si Megan Young, na isa ring avenger noong StarStruck Season 2.
A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on
Ilang taon nang naging bahagi si Dingdong ng reality artista search, at nagkaroon na nga raw ng puwang ito sa kaniyang puso kaya nasasabik na rin siyang magbalik bilang host.
Aniya, “More than 10 years na siya, ang dami nang mga buhay ang na-touch ng StarStruck, especially mine. At proud ako to be part of it so that whenever something like this is born again, siyempre I would like to be part of it.”
Bukod sa pagiging host, magiging miyembro na rin ng StarStruck council ang Kapuso actor, kasama ang iba pang judges na sina Regine Velasquez, Joey De Leon, at Jennylyn Mercado.
Hindi rin maitago ni Megan ang kaniyang pananabik para sa mga bagong artista hopeful, lalo na't pinagdaanan rin niya ang kanilang mga mararanasan bago siya maging beauty queen at isa sa mga namamayagpag ngayon sa Primetime.
“Being able to have the chance to witness the journey of the contenders is a humbling experience for me. StarStruck opened a lot of opportunities for me. And now that I’m one of the hosts, I’m excited to guide them to reach their dreams,” ayon kay Megan.
Makakasama nina Dingdong at Megan upang magbigay ng daily updates ang ilang Starstruck alumni, gaya nina Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras, Season 5 Second Prince Rocco Nacino, Starstruck Kids First Prince Miguel Tanfelix, at Season 4 Ultimate Female Survivor Kris Bernal, na siya ring magiging social media correspondent.
Mapapanood ang “StarStruck” sa Kapuso Network sa darating na Lunes, September 7, bago mag-”24 Oras.” — RSJ, GMA News
Tags: starstruck2015
More Videos
Most Popular