ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras gives advice to Aljur Abrenica: ‘Make your own choices’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matatandaang bahagyang “lumamig” ang karera ng Starstruck Season 4 Ultimate Hunk na si Aljur Abrenica kasunod ang hinarap niyang kontrobrsiya matapos magpa-release ng kontrata mula sa GMA Netowrk nitong nakaraang taon. Sa ngayon ay balik-Kapuso na siya at naitatampok na muli sa iba't ibang programa ng GMA.

Kaugnay nito, nagbigyay ng payo ang Starstruck Season 1 Ultimate Male Survivor at Starstruck Season 6 host na si Mark Herras para sa kaniyang co-artist at kaibigan.

Kuwento ni Mark, “Actually, parehas kami ng handler ni Aljur,  so once in a while nakakausap ko si AJ. Personally hindi ko na tinatanong kung, ‘Bakit ganun? Bakit ganito? Bakit ganun?’ Kasi tayo naman, kahit naman ako dumaan naman ako sa time na ang dami kong maling desisyon sa buhay, ang dami kong nagawang negativity sa buhay.”

“Ang dami ko ring nagawang bad decisions sa buhay ko, pero still, kung gusto mong iayos, kung gusto mong ibalik sa diretsong linya, kaya mong gawin. And I’m sure kayang-kayang gawin ni Aljur yun.

“Iyon yung ginagawa niya ngayon. Slowly but surely, pero yung commitment niya sa trabaho niya ngayon, sobrang iba! Sobrang iba from dati. And masasabi ko na, 'Antay lang kayo, babalik siya, I’m sure!'”

May ibinigay ba siyang advice kay Aljur?

Patuloy niya, “Ang pinakamagandang choice na gagawin mo sa buhay mo ay sarili mong desisyon, hindi desisyon ng ibang tao. Hindi desisyon ng tatay mo, hindi desisyon ng manager mo, hindi desisyon ng kung sinuman but your own decision. Sarili mong pag-iisip, inisip mo siya nang sarili mo.”

“Kaya nga meron akong tattoo dito, ‘Life Is By Choice Not By Chance,' kasi hindi mo naman puwedeng isisi sa ibang tao yung mga naging problema mo or lahat ng mga nangyari sa buhay mo, negative or positive man 'yan. Choice mo 'yan e it’s your own choice, di ba? So nasa sa iyo 'yan, nasa sariling desisyon mo 'yan kung paano mo ibabalik sa normal yung buhay mo.”

“Ako na-experience ko nang bumagsak, na-experience ko nang mawala for a while. Pero tama yung choice ko, yung naging desisyon ko na ibalik dun sa tamang... or sa gusto kong gawin sa career ko. And I’m happy to be here pa rin, na nandito pa rin ako in spite of every thing na mga nangyari sa buhay ko.” - Pep.ph