Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jackie Lou Blanco on having LGBT kids: ‘It’s their life, not ours’


Inamin ng batikang aktres na si Jackie Lou Blanco na hindi nalalayo sa kaniyang kalooban ang istorya ng pinakabagong GMA Afternoon prime series na “Destiny Rose,” kung saan bibida si Ken Chan bilang isang transgender woman.
 
Naiintindihan niya umano ang galit na reaksiyon ng ama ni Destiny Rose, na nabigo ang pangarap na masundan ng kaniyang anak ang mga yapak nito sa pagiging isang pulis.
 
Ayon kay Jackie Lou sa press conference ng naturang teleserye, “My eldest daughter is gay, and I cried not because I did not accept her. As a parent, we always have dreams for our children. I already have dreams for my children since they were born.”
 
“But it is their life, not ours. Dapat isipin rin natin na kung may pangarap tayo para sa kanila, ano naman kaya ang pangarap nila para sa sarili nila? As a parent, all I did was to love. My feelings for my daughter never changed when she came out,” dagdag pa niya.
 
Umaasa umano ang aktres na maging mapangunawa at mapagmahal ang lahat ng mga magulang sa ganitong klase ng sitwasyon.
 
Aniya, “Life is hard in itself. They need love and understanding. At the end of the day, being a parent is really all about love.”
 
Sang-ayon naman rito ang co-star niya na si Manilyn Reynes, na gaganap bilang ang mapagmahal na ina ni Destiny Rose.
 
“Bilang magulang, ang trabaho mo ay magbuhos ng pagmamahal, anuman sila, anuman ang gusto nila. Mas mahirap ang pinagdaraanan, mas matinding pagbuhos ng pagmamahal. Sa huli, maaayos rin ang lahat,” paliwanag ng aktres.
 
Dagdag pa niya, “Hind puwedeng hindi mo tanggapin 'yan. Anak mo 'yan. Mahal mo ang anak mo.”
 
Bibida sina Jackie Lou at Manilyn sa inaabangang GMA Afternoon Prime series na “Destiny Rose,” ang kauna-unahang transgender-themed teleserye ng Kapuso Network.
 
Makakasama nila rito sina Ken Chan, Michael de Mesa, Joko Diaz, Sheena Halili, Katrina Halili, Fabio Ide, Ken Alfonso, Jeric Gonzales, JC Tiuseco, at marami pang iba.
 
Mapapanood na ang “Destiny Rose” sa GMA Afternoon Prime simula September 14. —Bianca Rose Dabu/KG, GMA News