ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joey de Leon, nagbigay ng payo sa Starstruck Season 6 hopefuls


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling nagbabalik ang batikang host at aktor na si Joey de Leon sa tinaguriang Starstruck Council bilang isa sa magsisilbing hurado ng nasabing reality-based artista search, na nasa ikaanim na season na ngayong taon.

Kasama ng "Eat Bulaga" host sa pagpili ng magiging Ultimate Survivors sina Jennylyn Mercado, Regine Velasquez at Dingdong Dantes.

Bilang bahagi ng kauna-unahang live broadcast ng artista search, nagbigay ng payo ang hurado para sa Starstruck hopefuls na nagpapaligsahan ngayon upang matupad ang kanilang pangarap na maging artista.

Ayon sa batikang host, kinakailangan lamang mag "J.O.E.Y" ng mga kalahok.

"I told the StarStruck newbies yesterday to JOEY—Just be yourself, Own the stage, Enjoy...You're on StarStruck! JOEY!" paliwanag niya.


Sa naunang pahayag, inamin na ni Joey na hinahanap niya ang makakapantay o makahihigit pa sa ipinamamalas na galing at lakas ng dating ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub bilang bahagi ng phenomenal loveteam ng AlDub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Aniya, “Si Yaya Dub, ano ba naman, nagda-Dubsmash lang, pero ang lakas ng dating. So 'yun, didiretsuhin ko na, ang hinahanap ko sa StarStruck ay 'yung malakas ang dating. Kung sino ang malakas ang dating, 'yun ang pagtutuunan ko ng pansin. Tapos saka natin hahanapin kung ano pa puwedeng mabigay niya as far as entertaining people is concerned.”

Umaasa rin daw si Joey na makakita ng namumuong chemistry nang kagaya ng sa pagitan nila Alden at Yaya Dub mula sa pinakabagong Starstruck batch of hopefuls. — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News