ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub phenomenon, mainit rin sa Estados Unidos, Indonesia


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakapagtala ng panibagong record ang Kalyeserye ng Eat Bulaga at ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, nitong Sabado nang umabot sa higit 25 million tweets ang nakuha ng #ALDubEBforLove.

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na bukod sa mga Pilipino sa bansa, marami ring mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo ang nakatutok sa love story ng AlDub.

Maging ilang foreign artist ay nagiging interesado na rin sa kanila dahil sa araw-araw na pagte-trend ng kanilang love team sa social media.

Ayon sa statistics na kinalap ng ilan sa mga tagahanga ng AlDub, karamihan sa tweets na bumuo ng record-breaking trend nitong Sabado ay galing sa Pilipinas at sa Estados Unidos at Indonesia.

Ilan pa sa mga bansa na naabot ng AlDub fever ay ang United Arab Emirates, Kenya, Spain, Canada, Singapore, Denmark, Saudi Arabia, Hongkong, Italy, United Kingdom, Australia, France, Qatar, South Korea, Turkey, New Zealand, at marami pang iba.





— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News