Filtered By: Showbiz
Showbiz

Empress Schuck gives birth to baby Athalia


Isinilang na ng TV host and actress na si Empress Schuck ang panganay na anak nila ng non-showbiz boyfriend na si Vino Guingona nitong Linggo.
 
Sa Instagram posts na ibinahagi ng kaniyang kaibigan at aktres na si Melissa Ricks, makikitang tila naging matiwasay ang pagpapanganak ng Kapuso actress.
 
Ilang sandali makaraang isilang ang baby girl na pinangalanan nilang Athalia, nakangiti at nagpabebe wave agad si Empress.
 
Abril nitong taon nang ipaalam ng aktres sa publiko ang kaniyang pagbubuntis, at panandalian nga siyang nagpahinga sa showbiz upang matutukan ang kaniyang kalusugan at ang kapakanan ng kaniyang unang anak.
 
Gayunpaman, ibinabahagi pa rin ni Empress ang kaniyang journey to motherhood sa pamamagitan ng social media updates para sa kaniyang fans at followers. 
 
 
 
 
— Bianca Rose Dabu/RSJ, GMA News