Pauleen Luna, Vic Sotto actively involved in building their own house
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang bali-balitang nagpapatayo na ng bahay sina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto.
Noong Martes, kinumpirma ng Kapuso actress na may hands-on participation sila ng kaniyang fiancé sa pagpapatayo ng bahay at pamimili ng mga furniture.
Matatandaang inamin ni Bossing ang engagement nila ni Pauleen nitong Setyembre matapos maging usap-usapan ang engagement ring na suot ng TV host and actress.
Isa sa mga una nilang pinaghahandaan ngayon para sa nalalapit na buhay may-asawa ang pagpapatayo ng kanilang sariling bahay.
Sa isang Instragram post, makikitang personal na namimili sa Pauleen ng magiging gamit nila sa bahay.
“I honestly never thought that building a house will be this hard! ayon kay Pauleen.
Nakatakdang maganap ang kasalang Pauleen at Vic bago matapos ang taong kasalukuyan.
A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) on
—LBG, GMA News