Ryza Cenon enrolls in culinary school
Matapos niyang buksan ang food business na "Paburrito" kasama ang kapwa-"Starstruck" survivor na si LJ Reyes, nag-desisyon naman ang "Buena Familia" star na si Ryza Cenon na mag-enroll sa Center fo Culinary Arts upang lalo pang mapagbuti ang kaniyang pagluluto.
Sa isang episode ng “The Ryzza Mae Show,” ipinaliwanag ni Ryza ang konsepto ng “Paburrito” o “paboritong ulam in a burrito,” na nagsimula lamang magbukas sa publiko nitong nakaraang Mayo.
Ayon sa aktres, “Naisip namin na magkaroon ng business na may twist pero nandoon pa rin ang lasang Pinoy. Like yung burrito. Burrito is a Mexican food. 'Yung sa amin, ang nakalagay sa loob, paboritong ulam ng Pinoy, like Adobo.”
Nagsimula si Ryza sa kaniyang culinary studies nitong nakaraang Huwebes kasama si Chef Tristan Encarnacion.
My first day of cooking lesson with Chef Tristan of CCA. #italiancuisine
A photo posted by iamryzacenon (@iamryzacenon) on
Kabilang sa mga unang natutuhang ihanda ng aktres ang ilang Italian cuisine tulad ng iba't ibang pasta dishes.
— Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News