ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paras brothers post touching birthday message for father Benjie


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagdiwang ng TV host and actor at PBA legend na si Benjie Paras ang kaniyang kaarawan nitong Biyernes, at hindi pinalampas ng kaniyang mga anak na sina Kobe at Andre ang pagkakataon na magpahayag ng pagbati para sa kanilang ama.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Andre sa walang humpay na pagsuporta ng kanilang ama sa kabila ng mga problemang hinarap ng kanilang pamilya.

Matatandaang naghiwalay sina Benjie at Jackie Forster, ang ina nina Andre at Kobe, ilang taon na ang nakalilipas at nagkaroon pa ng kabi-kabilang isyu tungkol sa tunay na dahilan sa likod ng kanilang paghihiwalay.

Kasalukuyang masaya na sa kani-kanilang bagong pamilya sina Jackie at Benjie, habang nananatili sa puder ng beteranong basketbolista ang kanilang mga anak.

Ayon kay Andre, "Happy Birthday to the man that had our backs since day 1! I don't believe that you get older but get younger because life is all about having fun and doing the things that make you happy! I LOVE YOU PAPA BEAR!"


Hindi naman napigilang maging sentimental ng nakababatang si Kobe lalo na't hindi siya nakasama sa selebrasyon ng kaarawan ng kaniyang ama dahil kasalukuyan siyang nag-aaral sa America.

Patuloy rin na nakikilala ang galing ni Kobe sa larangan ng basketball kasabay ng paglalaro niya para sa L.A. Cathedrals at ng pagkapanalo niya sa FIBA Under-18 dunk contest.

Ayon kay Kobe, "Happy birthday dad! You really are my superman. I really wish I was back home to spend this special day with you. We've been through so much and I'm so grateful that we're still standing tall. I miss you so much and I love you! Again, happy birthday pops!"


— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News