ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Certified Kapuso show na ang ‘Wowowin’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mula sa pagiging isang blocktimer, co-production na ng GMA Network at WBR Entertainment ang Sunday variety at game show na "Wowowin," na pinangungunahan ng batikang host at komedyante na si Willie Revillame.

Nagsimula na ang naturang co-production nitong nakaraang Linggo, October 4, at mula noon ay isa nang certified Kapuso show ang naturang programa.

Ayon kay Willie, katuparan raw ng kaniyang panalangin ang maging isang ganap na Kapuso show ang "Wowowin."

 

Congrats Wowowin :) @gmanetwork @gmanews @gmapinoytv

A photo posted by WBR (@wbrnetizens) on


“Sa lahat, sa kabuuan po ng mga nagmamahal sa programang Wowowin, eto po natutupad na po dasal natin. Co-production na po tayo ng GMA,” aniya.

Dagdag pa ng Kapuso host, “Ang co-production, ibig sabihin ay magkasama na po. Ibig sabihin, magkaisa na kami para magbigay ng saya, pagmamahal, at pag-asa sa bawat Pilipino.” — Bianca Rose Dabu/BM, GMA News