ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Alden Richards, pumayag maging ninong ng tinaguriang 'Kalyeserye baby'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Marami ang tumutok sa episode ng Eat Bulaga kalyeseryeng Aldub na tampok ang pagbisita ni Alden sa mansyon nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora para maka-date si Yaya Dub. Mahigit 25 million tweets ang inani ng episode ng aiyon.
Kabilang na sa mga tumutok ang siyam na buwang buntis na si Kathrina Abad, na napaanak habang nanonood ng kalyeserye.
Ayon sa ulat ni Katrina Son sa Balita Pilipinas noong nakaraang linggo, ipinangalan ng ginang ang kaniyang anak kay Alden Richards dahil kasabay ng pag-awit nito ng kantang 'God Gave Me You' ang pagpapaanak niya sa kaniyang anak, na biyaya umano sa kanila ng Diyos.
Dahil dito, tinaguriang 'Kalyeserye baby' si Baby Alden Richard, at bukod sa kahilingang mamana ng kaniyang anak ang pagiging magalang ng Pambasang Bae, hiniling rin ni Kathrina na maging ninong at ninang sana ng kaniyang bunsong anak sina Alden at Yaya Dub.
Nitong Linggo, natupad ang pangarap ni Kathrina na makita si Alden sa tulong ng programang 'Princess in the Palace' ni Ryzza Mae Dizon.
Sa video post ng Kapuso Mo Jessica Soho sa Facebook nitong Lunes, makikitang nakapanood ang pamilya ni Kathrina ng 'Eat Bulaga' nang live sa Broadway nitong Biyernes, at nagkaroon pa sila ng pagkakataong makilala si Alden.
Kasabay ng pagpapakilala nila sa kanilang anak, magiliw rin na pumayag ang Pambansang Bae na maging ninong ni Baby Alden.
Bilin ng bagong ninong kay Kathrina, “Paglaki nito, mga ten years from now-- 33 na ako, pakita niyo sa akin, ha. Dalhin-dalhin niyo sa akin.”
Bae Alden meets Baby AldenSi Bae Alden, magiging ninong na! Tila dumating na ang tamang panahon para kay Kathrina, ang misis na napaanak habang kilig na kilig na nanonood ng KalyeSerye ng Eat Bulaga. Sa tulong ng "Princess in the Palace" na si Ryzza Mae Dizon, nabigyang katuparan ang hiling ni Kathrina na makita't makausap ang Pambansang Bae, na pinagkuhanan din ng pangalan ni Baby Alden Richard!Panoorin ang nakatutuwang tagpo sa video. #KMJS10
Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Monday, October 5, 2015
— Bianca Rose Dabu/ELR, GMA News
Tags: aldenrichards
More Videos
Most Popular