ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang fashion evolution ni Pambansang Bae Alden Richards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa kaniyang pagpapakilig at pagpapasaya sa mga tao tuwing Kalyeserye sa noontime show na Eat Bulaga, tumatak na rin sa isip ng mga tao ang signature look ni Pambansang Bae Alden Richards.

Ayon sa kaniyang mga stylist na sina John Lozano at Trixie Waasdorp, “comfy but sleek” raw ang signature style ng Kapuso heartthrob.

Sa ilang taon niya sa showbiz, aminado si Alden na mas pinipili niya talaga ang komportableng pananamit kaysa laging sumasabay sa anoman ang uso.

“Simula nung nag-star pa lang ako, takot na takot akong mag-try ng bagong hitsura. I'm used to comfortable clothes, kaya mostly, T-shirt lang. Relaxed lang, cotton lang lahat,” paliwanag niya sa episode ng “Sarap Diva” nitong nakaraang linggo.



Dagdag pa ng Kalyeserye leading man, “I'm more on comfort. Minsan, late na late talaga ako sa latest fashion every year. Hindi ko nasusundan ang uso.”

“'Yung leather jackets, lately lang ako na-involve diyan since na-showbiz na at kailangang magmukhang artista,” biro pa niya.

Dahil sa pagiging simple ng Pambansang Bae at sa kaniya ring matipunong pangangatawan, isa umano siya sa mga artistang pinakamadaling bihisan.

Kuwento ni Trixie, “Si Alden ang pinakamadaling bihisan out of all the artists that I handled. Kasi kapag binigyan mo siya ng damit, suot agad. Walang reklamo. At lahat naman bumabagay sa kaniya. Magaling siyang magdala. Kahit anong brand o style, kaya niyang i-pull off.” — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News