ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Nora Aunor at Eddie Garcia, comedy ang dala sa ‘Little Nanay’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala ang mga batikan at award-winning na artista na sina Eddie Garcia at Superstar Nora Aunor sa kanilang natatanging galing sa pag-arte, lalong-lalo na sa mga madramang eksena sa telebisyon man o pelikula.

Ngunit kakaibang pagganap ang matutunghayan mula sa dalawa sa pinakamagagaling na artista ng Philippine entertainment industry sa upcoming Kapuso series na “Little Nanay.”

Imbes na drama, ipapamalas nina Nora at Eddie ang kanilang husay sa pagpapatawa at pagbibigay ng kakaibang saya sa mga manonood.

Gaganap bilang Lola Annie Batongbuhay ang Superstar, isang cool retro lola na nakikipag-jamming at tumutugtog pa rin sa mga gig kasama ang kaniyang banda.

Sa kabilang banda naman, bibigyang-buhay naman ni Eddie ang karakter ni Don Miguel Valle, ang nawawalang lolo ng bida na si Tinay, na gagampanan naman ng Kapuso host and actress na si Kris Bernal.



Ipapalabas ang “Little Nanay” sa Kapuso Network bilang bahagi ng GMA Telebabad primetime block, at isasadula rito ang kuwento ng 25-year-old na si Tinay, na nasa 9 years old pa rin ang pag-iisip, at ng kaniyang anim na taong gulang na anak na si Letlet, na gagampanan naman ni Chlaui Malayao.

Bukod kay Kris, Chlaui, Nora at Eddie, kabilang rin sa star-studded cast ng pinakabagong aabangang Kapuso teleserye sina  Bembol Roco, Keempee De Leon, Gladys Reyes, Mark Herras, Hiro Peralta, Renz Fernandez, Juancho Trivino, at Sunshine Dizon. — Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News