Alden Richards’ behind-the-scenes video for clothing brand photo shoot
Naging patok sa netizens ang behind-the-scenes video ni Pambansang Bae Alden Richards para sa isang clothing brand.
Mula nang i-post ng naturang clothing brand ang video nitong nakaraang Sabado, mayroon na itong higit sa 440,000 views, at halos 27,700 likes at 3,800 shares.
Kitang-kita sa video ang pagiging charming ng "Eat Bulaga" Dabarkads" at "Sunday Pinasaya" host sa harap man o likod ng camera.
Bukod sa naturang clothing brand, endorser rin si Alden ng iba't iba pang produkto.
Kabilang na rito ang isang beauty clinic, softdrinks brand, cellphone company, fastfood chain, at marami pang iba—karamihan ay kasama niya ang ka-loveteam at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Take a look what happens behind the camera and in between takes featuring our Pambansang Bae, Alden Richards.#lovesupport#BoardwalkPH
Posted by Boardwalk PH on Friday, November 13, 2015
— Bianca Rose Dabu/BM, GMA News