Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera gives birth to baby Maria Letizia


Ganap nang magulang ang Kapuso Primetime Couple!
 
Ngayong umaga, November 23, ay isinilang na ang panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, si Maria Letizia Gracia-Dantes.
 
Sa isang ospital sa Makati nanganak si Marian via normal delivery.
 
 
Ang pagdating ni Baby Z ay parehong nabalot ng excitement at pagdarasal. Noong Sabado (November 21) ay sinimulan ng official fan club nina Marian at Dingdong ang isang prayer brigade. Patuloy rin ang kanilang panalangin hanggang sa araw ng kapanganakan ni Baby Z.
 
 
 
Lalong titibay ang paGMAmahalan ng DongYan dahil sa pagdating ng kanilang panganay.
 
Panoorin ang GMA Network Christmas Station ID kung saan nasa sinapupunan pa lamang si Baby Z at patuloy na tumutok sa GMANetwork.com for more updates. GMAnetwork.com