ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rocco Nacino ends silence on rumored breakup with Lovi Poe


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naging usap-usapan nitong mga nakaraang linggo ang paghihiwalay umano ng Kapuso real-life couple na sina Rocco Nacino at Lovi Poe, na nagkasama pa sa GMA Primetime teleserye na "Beautiful Strangers." 
 
Kapansin-pansin umano ang kawalan ng larawan ng dalawa na magkasama sa kani-kanilang social media accounts, ayon sa kanilang fans. 
 
May mga balita ring lumalabas tungkol sa third party, pati na sa paggastos umano ni Rocco ng pera mula sa joint account nila ni Lovi.
 
Nitong Linggo, nagsalita na ang Kapuso actor sa pamamagitan ng isang Instagram post, at mariin niyang pinabulaanan ang mga paratang sa kaniya.
 
Aniya, "Been receiving news about me stealing money from a joint account and having a third party involved in our relationship. No joint account. No third party. I have the utmost respect for Lovi."
 
Gayunpaman, hindi pa rin nilinaw ni Rocco ang kasalukuyang estado ng relasyon nila ng Kapuso actress.
 
Humingi na lamang siya ng respeto para sa privacy na kailangan umano nilang dalawa.
 
 

A photo posted by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

 
—Bianca Rose Dabu/KG, GMA News