ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
THROWBACK
Add GMA on Google
Alden Richards’ old commercial with Kapuso actress Andrea Torres
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bago pa man makilala bilang Pambansang Bae ng Kalyeserye at ng noontime show na "Eat Bulaga," bumida na si Alden Richards bilang modelo sa print at maging sa mga commercial.
Sunud-sunod man ang kaniyang endorsements ngayon, tila nais pa ring balikan ng kaniyang mga tagahanga ang mga lumang commercial ng Kapuso actor.
Nitong nakaraang linggo, kumalat sa social media ang dating commercial ni Alden para sa isang telecommunications company.
Kasama niya rito ang Kapuso actress na si Andrea Torres, na nakapareha na rin ng binata sa ilang programa tulad na lamang ng reality-based drama anthology na "Wagas."
Hahaha totoy days! Halukay pa more! #HalukaySunday #SPSDamiKongTawa ctto pic.twitter.com/E2G5CPw0xw
— AlDub•MaiChard•CA,US (@Pandita0314) December 5, 2015 Nitong nakaraang linggo lamang, nag-throwback din si Alden sa Kalyeserye kasama ang kaniyang ka-loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Bilang bahagi ng kanilang 20th weeksary, ipinakita ni Maine sa telebisyon at social media ang lumang litrato ni Alden, na ikinagulat naman ng binata at ikinatuwa ng AlDub Nation.
Bukod sa araw-araw niyang pagpapakilig sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga” kasama si Maine, at sa mga sunud-sunod niyang endorsement at magazine covers, bumibida rin si Alden sa comedy variety show na "Sunday Pinasaya."
Kabilang rin siya sa mga bibida sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na “My Bebe Love,” kasama si Maine, Bossing Vic Sotto, at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News
More Videos
Most Popular