Alden Richards looks for Rogelio in Qatar
Patuloy ang pagpapasaya ni Pambansang Bae Alden Richards sa mga Pilipino mula sa iba't ibang sulok ng mundo.
Sa darating na January 8, 2016, nakatakdang magtungo ang Kapuso heartthrob sa Doha, Qatar para sa “Alden: Live in Doha” show, at ilan sa kaniyang mga tagahanga ang magkakaroon ng pagkakataon na mag-perform sa stage kasama siya.

Lahat ng lalaking 18 taong gulang pataas na nakatira sa Doha, Qatar ay may pagkakataong maging isa sa apat ng Rogelio ng Pambansang Bae, at bukod sa tikas at katawang pang-Rogelio, kinakailangan lamang na magpadala ng isang dance video ala-Rogelio ang lahat ng nais maging bahagi ng naturang show.
Apat na kalalakihan ang maaaring makasama ni Alden sa isang production number sa Qatar National Convention Center, habang lahat ng magpapadala ng video entries ay mapapanood sa main event.
Maaaring mag-post ng video entries sa Facebook event page ng “Alden: Live in Doha” hanggang December 31, 2015. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News