Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose wins at 28th Awit Awards, gets number one spot in MYX Hit Chart


Sunud-sunod ang natanggap na pagkilala ni Asia's Pop Sweetheart Julie Anne Jose sa pagsisimula ng Disyembre.

Bukod sa kaniyang pagbida sa iba't ibang Kapuso programs tulad na lamang ng “Buena Familia,” “Day Off,” at “Sunday Pinasaya,” patuloy rin ang pamamayagpag ng Kapuso artist bilang isang singer at performer.

Nitong Miyerkules lamang, tinanggap ni Julie Anne ang Best-selling Album award mula sa naganap na 28th Awit Awards para sa kaniyang ikalawang album sa ilalim ng GMA Records na pinamagatang “Deeper.”

Kinilala rin bilang Best Rap Recording ang single na “Dedma” kung saan nakasama ng Kapuso singer-actress ang rapper na si Abra.

 

 

Bukod pa sa mga panibagong pagkilalang ito, naging number one video rin ang hit single ni Julie Anne na “Forever” sa MYX Hit Chart at Pinoy MYX Countdown nitong linggo.

Halos dalawang linggo na sa naturang charts ang kanta ng Asia's Pop Sweetheart, kasama ang isa niya pang single na “Not Impressed.”

Nang tanungin kung naniniwala ba siya sa forever, aniya, “As long as you're happy and contented with your life, and you get to do whatever you want and be with people na alam mong sumusuporta at nagmamahal sa'yo, 'yun ang forever.”

 

 

—Bianca Rose Dabu/AT, GMA News