ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Starstruck 6 Ultimate Survivors Migo Adecer and Klea Pineda thank supporters, share plans after winning title


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Itinanghal na Ultimate Male and Female Survivor ng reality-based artista search na Starstruck Season 6 sina Migo Adecer at Klea Pineda sa tinaguriang “The Final Judgment” na naganap nitong Sabado, December 19
 
Maliban sa exclusive contract sa GMA, tatanggap din sina Migo at Klea ng tig-P1 million, house and lot mula sa Camella at makakasama sa pagbabalik ng Kapuso fantaserye na "Encantadia." 
 
Nagpapasalamat ang dalawa sa lahat ng mga sumuporta sa kanila at sa mga naging bahagi ng kanilang Starstruck journey.
 
Ayon kay Migo, "Thank you to my parents for giving me their 100% support and for sacrificing family time for this dream of mine. I could say now that it's all worth it.”
 
“Grabe, sobra-sobrang bonus na po ito ni Lord sa akin...Ito po ang pinakamagandang gift na natanggap ko ngayong Christmas,” pahayag naman ni Klea.
 
Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat ako kay Papang na alam kong ginagabayan ako sa bawat challenges namin. Alam kong katabi niya lang si Lord at sinasabihan niyang, 'Uy, apo ko 'yan. Pagbigyan 'yan, ha.' Gabi-gabi, araw-araw, pinagdadasal kong gabayan niya ako.”
 
 
 
 
Para kay Migo, panahon na upang magbigay siya ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kaniya, kaya naman plano niyang magkaroon ng Fans Day at bumalik rin sa Bacolod upang magdiwang kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.
 
Aniya, “Now that I've won as the Ultimate Male Survivor, I would totally give it up for my fanbase. I'll organize a fans day, hangout with them, spoil them din. Bring out my family and have a big dinner. We'll rent up a place and celebrate. I will probably go back home just to say hi to my mom and dad.”
 
Magpapahinga rin daw ang Ultimate Male Survivor nang isang buwan upang mahasa pa ang kaniyang pagsasalita ng Tagalog.
 
 
 
 
Kabilang na sina Migo at Klea sa hanay ng mga nagwagi sa Kapuso reality-based artista search sa loob ng maraming taon, tulad na lamang nina Mark Herras at Jennylyn Mercado (Season 1);  Mike Tan  at Ryza Cenon (Season 2); Jackie Rice at ang namayapang si Marky Cielo (Season 3);  Aljur Abrenica at Jewel Mische (Season 4); at Steven Silva at Sarah Lahbati (Season 5). —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News